Linggo, Abril 28, 2013

Midori. April Morning Skies~

It started off first week of April 2013...

I dont even have an idea that I will feel like this towards him...

I didnt even imagine having a crush on him...

But it just happened...


I was sitting at my work station

When he came in...

When I look at him

I smiled at myself...


I dont know why but suddenly I felt something strange.

But at that time I was not quite wondering whats going on with me

Since Im not really attracted to him...


Then as hours goes by...


Everytime he's near me, I felt nervous

Like I dont know how do I ask questions (Were doing Back Office work and he's our Coach)


And then I became curious about him.

I learned about his full name and I searched him on Facebook

Just to see more details about him.


Then, he's married... he have a daughter too.

So at that time I told myself, I should have not look for his Facebook Profile.

But why do I feel like that? When the case is that, I shouldnt be?


As days pass by...

I became unsure and uncomfortable around  him...

I started to think that I like him, but then again

Im still in "Denial".


I always think to myself that its very wrong to feel like this about him.

But I just cant help it.


He is very accomodating, friendly, and he treat his agents the same as his close friends in the company...


Sa twing nakikita ko sya natutuwa ko.

hindi ko mapaliwanag kung bakit ganun parin nararamdaman ko kahit alam ko na may family na sya... Lagi ko lang iniisip 


"Crush" lang naman to. Wala naman akong ibang intensyon at saka baka inaadmire ko lang talaga sya... Saka medyo close din sya 


saming mga ahente nya at lagi pa syang nakikipagbiruan. Cool nga eh. Parang hindi boss...


Napakahelpful din nya, at patient...


Pag nakikita ko sya yung ngiti ko abot tenga, lagpas pa ata.

Madalas ko din sabihin na "Im so happy" pero nagtataka sila kung bakit

Bakit daw ang saya saya ko lagi


Di ko naman masabi ng deretso na dahil sa Coach namin kaya ganito ako.


Ginawa ko syang motivation at inspirasyon na pumasok sa trabaho

Lalo na Graveyard shift pa kami at ang hirap intindihin ng mga tools namin...


1 week after, Chat support na skill namin...


First 2 days as in wala kong benta, zero.


3rd day, sabi nya tatabi sya sakin titignan nya kung ano kelangan gawin.


First hour, walang pumasok na chat. Malas.

First break na din namin. Sabi ko pano yan may gagawin ka pa di mo na ko maaassist dito.

Sabi nya pag balik ko galing first break, tatabi parin sya kahit 1 hour.


So after first break...


Di na ko mapakali dahil katabi ko parin sya.

Di ako makapagsalita ng maayos, at kinakabahan din ako...


Tapos panay pa amoy nya sa damit ko, ang bango daw ng pabango ko eh.


Tapos may chat na, at himala nakabenta ko?!


Tuwang tuwa nga ko eh.


Tapos sumunod pa yung benta, late lunch na nga ko ng 1 hour dahil sa order processing.


Ha ha ha... Ayos no?

Napaisip ako,


Sya lang pala kelangan ko para makabenta.

Sobrang pasalamat ko talaga ng palihim sa kanya. :)


Huddle na namin bago umuwi,

Ako pinakamataas convertion ng sales that day .


Sabi nga nya sa wavemates ko wala naman syang ginawa sa tabi ko, nagpacute lang daw sya tapos bumenta na ko. Hahaha 


nakakatawa talaga sya...


Hanggang sa isang araw Huddle namin, narinig ko yung soundtrip nya,

inaasar pa nga namin sya na bat di nya naisip maging impersonator ng vocalist ng isang sikat na Pinoy Band. Magkahawig kasi 


sila tapos magkaboses pa.


Tapos yung mga kanta ng banda na yun, yun yung soundtrip nya...

Yun pa ngang isang kanta ng banda na yun, yun yung kanta ko sa kanya, bagay sa sitwasyon ko eh.


Tapos narinig ko yung isang version ng kanta na medyo matagal ko naring hinahanap, akala ko pa nga dati, Rock Version yun, 


yun pala Inuman Sessions...


Ayun sa kanya ko lang pala makukuha yun

Nagpahuli pa ko lumabas ng Care Bay,kasi nahihiya ako na may makakita sakin na kausap sya...

Baka asarin ako eh...


Tapos ayun sinabi ko kung pwede ba na isend nya sakin yung kanta

Tinanong nya kung may Flash Drive ako

***Actually lagi akong may dala na Flash Drive. Kaya saktong sakto.

Tumakbo pa ko sa locker para mabilis. hehe


Habang sinesend nya yung mga kanta sa USB ko, nag kwento din sya ng kung ano ano about sa kanya, sa asawa nya, sa ex-gf nya, 


sa anak nya, pinakita nya din yung mga picture nya sa website na ginawa nya para sa kanila ng asawa nya, na matagal ko ng 


nakita dahil sa kakahanap ko ng info about sa kanya, stalker lang ba dating?


Nadulas pa nga ko na nakita ko na yun. Woooh.

Buti sinabi nya na may link daw ata non sa FB nya kaya nakita ko.


Pero hindi, hinanap ko talaga yun ah...


Medyo late na din syang umuuwi gusto ko na sana na sabay na kami para makapagkwentuhan pa kami, kasi sa MRT din sya sumasakay 


eh...


Sabi pa nga nya kung gusto ko mag stay ok lang kasi wala din naman syang kasama eh...


7am out namin, pero sya mga around 9am pa nakakauwi kasi madami syang ginagawa na Report.


Nga pala nung nakita ko yung mga picture nya nung bata pa sya sinabi ko na kahawig nya anak ko, hehe hawig sila kasi parehas 


silang chinito. Alam din naman nya na single mom ako, nagulat nga sya kasi ang hinhin ko daw.


Tapos, mga quarter to 8am, may dumating na Coach at nagpapaturo sa kanya, bago lang kasi sya, tapos babae at iba tingin 


sakin, nakaramdam na ko nun na dapat umuwi na ko bago mag simula ang chismis na ayokong ayoko...



***I take one step away but I find myself coming back to you, my one and only, one and only you...***


Habang tinatype ko to nakikinig ako sa mga kanta na sinend nya sa USB ko...


Going back sa office...


Umuwi na din ako, kasi ang awkward na bigla, naudlot kwentuhan namin...

Marami pa sana kong gustong malaman tungkol sa kanya kahit di ako masyadong nagsasalita...


Tapos isang araw bigla ko nalang naisipan mag slip ng notes sa locker nya.

Medyo matagal ko na ding plano yun pero natatakot ako na baka mahuli nya ko o baka may makakita sakin na kakilala namin, I 


dont wanna be caught red-handed. Nakakahiya at baka bigla nalang akong mag AWOL dahil wala na kong mukhang maihaharap sa mga 


nakakakilala samin...


Nag simula sa *:)* "Smiley"

Hanggang naging HAVE A NICE DAY.

Iniiba ko pa nga hand writing ko dahil baka maghinala sya at pasulatin kaming lahat at malaman na ako yun. Di ko alam pano ko 


ihahandle yung sitwasyon na yun pag nagkataon.


Naging TAKE CARE. DONT STRESS YOURSELF TOO MUCH AT WORK.

Di ko alam kung Creepy na yung dating sa kanya o Weird.


Tapos last day of shift namin, after Team Huddle, bago kami lumabas ng Conference Room, pinisil pa nya chin ko, dati cheeks 


lang... Natuwa ako nun...


Narinig nya na maglalaro kami ng Kinect, sabi nya bago sya umuwi dadaan sya at manonood.

Mga kalahating oras na nung dumating sya, naglalaro kami ng Tennis.

Inaya namin sya na sumali, ayun nakalaro ko sya.

Kaya sobrang saya ko lalo...

Ang kulit nya kalaro at ang harot nya sobra.

Napagod ako kakatawa kasama na yung paglalaro namin ng Tennis.


Tapos sabi nya hintayin ko na sya sabay na kami umuwi...

At lalo kong natuwa dahil medyo matagal ko ulit syang makakasama.

Ang layo kaya ng lalakarin namin papuntang MRT Ortigas station kaya sulit sa kwentuhan.


Oo nga pala tawag ko sa kanya "Midori"

Kasi mahilig sya sa Green, pero syempre di nya alam yun no.

Medyo mahilig din ako sa Green, kaya nga yung isang bonnet ko kulay green

Nagkataon naman mahilig din sya sa bonnet yun nga lang dahil sa Dress Code ng company namin kaya di sya nagsusuot.


Habang nakasakay kami sa MRT kwentuhan parin ng kung anu ano, medyo nag open up na din ako ng ibang bagay pero medyo nahihiya 


pa rin ako, mas ok sana kung may isa pa kaming kasama para di ako mahiya magtanong sa kanya.


Kinilig pa nga ko nung di nya sinasadyang mahawakan kamay ko sa MRT, na medyo madalas mangyari pag inaassist nya kami dahil 


sa "mouse".


Ayun nasa Last Station na kami *North Ave* hiwalay na...


Natuwa talaga ko nun...


Rest day ko.


Pumunta ko ng SM para libangin sarili ko dahil medyo nababaliw na ko kakaisip sa kanya.

At gusto ko din kumain dun sa Korean Resto dahil masarap yung Chicken nila.

Pag dating ko marami naman tao kaya Japanese Resto nalang pinuntahan ko...


Bumili din ako ng kung ano ano, wala lang.


Pumunta din ako sa isang Coffee Shop, na nagtataka ko bat sobrang mahal ng tinda nila, pero masarap din naman. Lalo na yun 


favorite ko na Frappe. Di naman kasi ako nag kakape.


Pag labas ko pauwi na sana ko ng may nakita kong keychain ng isang Anime.

Chopper name nung character at sya una kong naisip. Pero di ko nga alam kung gusto nya yun.

Pero dahil gusto ng kuya ko yun binili ko, baka sakaling gusto din nya yun.

Mostly kasi sa kilala kong lalake adik sa Anime na yun na di ko talaga trip dahil mas gusto ko yung mga nag kakagibunshin 


technic. At may mga Pulang mata.


Pag uwi ko ng bahay nagsulat ako sa Diary ko kuno, pero trip ko lang dahil napapagod na ko mag post sa twitter at FB ng 


nararamdaman ko. Nung nauso yung ganyang site di ko na naisip mag Diary na matagal ko ding ginawa, since Elementary, dahil 


tinuro din samin sa School yun, akala siguro ng Teachers namin matuturuan nila kami ng maayos pag pinagawa nila kami ng 


ganun. O malalaman kung sino ang estudyante na galit sa Teacher.


Balik tayo~


Iniisip ko din kung pano ko ibibigay sa kanya yung Keychain.

Isasabit ko ba sa locker nya?

Dadalhin ko sa Station ko tapos pag nakita nya baka sakaling arborin nya?


Gumawa narin ako ng Farewell Letter kasi baka mategi ako sa training namin dahil sa stats ko, medyo mahirap din kasing 


bumenta lalo na pag mahal ang binebenta mo at kuripot pa kausap mo...


***Monday***


Napagisip isip ko habang nasa byahe (1hour and a half) na di na ko maglalagay ng note sa locker nya kaya medyo nalungkot ako. 


Kaso di ko din napigilan.


Nun ilalagay ko na sana nakita ko na may mga nakasingit na papel sa butas ng locker nya, naisip ko, di kaya tinakpan nya na 


para wala ng maglagay dahil naiirita na sya?

 

Ayun ang ending, frustrated. Tinapon ko nalang sa basurahan yung note.


Bumili pa naman ako ng Sticky Notes na kulay Green.

Di rin pala magagamit.


Pag pasok ko ng Production Floor, sya nakita ko agad.

Pero di nya ko napansin at hinanap pa nya ko.


Live Calls na kami at last week na ng training namin, baka last week narin na makakasama ko sya... Kaya medyo wala ko sa 


wisyo, di ko na din alam kung kaya ko pang mag calls dahil ilang bwan narin eh... Tinatamad na din ako...


Sobrang avail namin. Sabi ko pano kaya ko bebenta wala naman kausap.


Sabi nya pag di ako bumenta tatabi daw ulit sya sakin.

Sabi ko wag na bebenta ko. *Kasi pag tumabi sya lalo kong di makakabenta dahil mahihiya ako. Nahihiya talaga kong mag spiel 


ng may nakakarinig, curious kasi ako sa grammar ko, ayokong mapagtawanan...*


Ayun sinabi nya one time na bat natatakot ako mag take in ng calls eh ang ganda naman daw ng boses ko... Hay ewan para sakin 


hindi sa ganda ng boses, yung grammar ko.


Sa pagiging baliw ko dahil natuwa na naman ako sa kanya

Imbes na ilagay ko sa loob ng locker nya yung note laking tanga

Pinost ko sa labas ng locker nya kung san madaming makakakita.


Nagreply pa sya ng "Who you?"


Mga ilang araw na andun yung note ko sa labas. Di ko naman kasi sinagot.

Nag post ako ng iba.

Tapos nakita ko nasa taas ng locker, naisip ko inignore nya...

Sumama loob ko... Sabagay bat nya babasahin yung mga ganun na di nga nya alam kanino galing...


Ang ending, frustrated. Simang ang peg.


Nagtaka sila bat ang lungkot ko...


Ilang araw na din... Di ko pa din nabibigay yung Keychain.

Naisip ko itatago ko nalang...


Pero ang mga close friends ko sa wave namin nalaman na ang pinakatatago tago kong "Secret Crush" sa coach namin. Wala na... 


Isa pa naman sa kanila may crush daw sakin kaya di ko masabi sabi at isa pang dahilan tuwing itatanong nila sino crush ko eh, 


andyan lang sa tabi ko ang prospect kaya di pwede.


Tapos nag patulong ako na ibigay sa kanya yung keychain na ilang araw ko din na tinatago at iniisip na wag na ding ibigay sa 


kanya...


Lunch break~


Nilagyan ko pa ng note na ***(Please Enter Name Here.), Keep it. Thanks. Take Care. :)***


Tapos pinaiwan ko sa Station nya habang wala pa sya. Nagtatawanan pa kami kasi parang High School daw at baka ipapull-up yung 


CCTV at sya makikita mapagkakamalan pa sya...


Anyway nung nakita daw ni Midori yung keychain nagulat sya, as in shock daw.


Pero nakakatuwa kasi dala nya kahit saan yung keychain kahit sa Conference Room.

Siguro hinihintay nya na may pumansin.


Tapos isang araw nakita ko nalang na nakasabit na sa locker nya yung Keychain...


***Last day na namin***


Magkakaalaman na kung sino ang maeendorse sa Production.

Wala na kong gana mag take in ng calls dahil naisip ko parang di ko naabot yung goal.


After lunch, late lunch na naman pala ko.

Tinawag nya ko...


The conversation goes like this...


"What if the things are not on our side? What are your plans?"


medyo naguluhan ako, english eh.


Tapos nirephrase nya.


Sagot ko,


"I'll apply to a different company then go back here after few months."


He then asked, "Why?"


I simply said, "Cause I love here." but i really meant, I want to be with you cause you make me happy without you knowing it. 


*Cheesy*


Then he showed up my scores then the frightening part is the total score.


Di ko pa nga alam pano basahin kasi ang daming numbers di ko alam alin ba dun.


At laking gulat ko dahil "NAKAPASA PALA KO, NI HINDI KO NA KELANGAN NG REMEDIAL CLASS DAHIL PASOK YUNG SCORE KO".


Haha niloko pa ko ng Midori na to.


At pang umaga shift ko at Chat dedicated Team pa ko napunta, gusto ko pa naman yun, maiba naman at dagdag experience, pero 


syempre mag ko-calls parin kami lalo na pag queueing.


Di ko na kelangan ibigay sa kanya yung Farewell Letter/Thank you Letter, na di ko nga din alam pano ko ibibigay.


Graduation din namin ng araw na yun.


Sayang nagmamadali yung mga Support at di na sya nakapagperform, kakantahin nya sana yung "Your Song" (My One and Only You)


At iinom pa sana kami sa somewhere kaso wala pang sahod kaya next time nalang ang problema iba iba na kami ng shift next 


week.


May class picture pa kami at nakakatuwa kasi tumabi pa talaga ko sa kanya, remembrance lang, wala kong picture kasama sya eh. 


Pero may picture sya sakin, stolen nga lang nung minsan na magkasama kami ng Lunch Break tapos natulog sya.


Tapos nung uwian na, nagpahuli talaga ko dahil may gagawin pa kasi ako eh, maglalagay note sa locker nya. May tao pa kasi eh. 


Pinansin pa nung isang kasama namin na bat wala ng naglalagay ng note sa locker nya, andun pa ko, tagos tagos nga ang tama 


sakin dahil ako yun.


Ayun pasakay na ng elevator mga kasama namin. Sya babalik na sa Production Floor, sabi nya san daw ako pupunta. Sabi ko 


washroom lang, samahan na daw nya ko. Patay. Mukhang nagbabantay si kuya. Ginawa ko nagsulat lang ako ng note.


Paglabas ko nagulat pa sya bat may bag akong dala eh kanina ko pa naman dala yun. Tinanong din nya anong oras shift ko next 


week, sabi ko 5am. Sabi nya pauwi na daw sya nun. Tinanong ko din kung may Class na ulit sya. Wala pa daw, tutulong lang daw 


sya sa kabilang wave tapos may mga kasama din kasi ako na nasa Remediation Class. Kitakits nalang daw.


Nung pagtunog nung too-toot card nya (Access/Badge Card)

Tumakbo ko agad sa locker room para ilagay yung note.

Sigurado kasi ako na pumasok na sya, in the first place di sya makakapasok pag nag badge in sya tapos di naman sya pumasok, 


unless papasok sya at magbabadge out para lumabas at tignan ako. Mission Accomplish. 


Nagpost ako sa FB na Maraming Salamat sa dumagdag ng "Inspirasyon" ko na pumasok sa trabaho at syempre Happy Graduation 


samin. Ni-like pa nga nya eh. Kaya natuwa ako, kahit di nya alam na sya yun at least nabasa nya.  


Rest Day na ulit. Ilang araw na pahinga bago sumabak sa totoong laban sa Production Floor.



***Tuesday Morning***


Di na talaga ko naglagay ng note sa locker nya...

Napagisip isip ko na ng mabuti na mali ginagawa ko. Natauhan na ko. Medy matagal din bago naproseso ng utak ko yung mga 


detalye at hindi ko dapat gawin. Medyo baliw kasi ako. Sa hindi maipaliwanag na paraan.


Pagpasok ko ng floor sya una kong nakita, medyo malungkot yung ngiti nya.

O iba lang yung dating nya para sakin. Iniisip ko din kung naisip nya kaya na ako yun naglalagay ng note sa locker nya. O 


baka dahil pagod lang sya...


Naghahanap ako ng Station ko, dun nalang nya ko pinaupo sa Station nya, nag log out nalang sya. Busy-ng busy sya tulad ng 


dati. Di nya ko masyadong kinakausap. Sabagay may mga inaassist sya. Pero nakakapanibago pala pag di ka na nya inaassist 


tulad dati...


Namiss ko sya... Namiss ko ang Training...


Dahil morning shift ako malungkot sa floor, wala masyadong sumisigaw ng benta, ACW, Hold Time, O.B., Queueing, VTO at kung 


anu ano pang pwedeng isigaw at dapat English Only Policy, kung hinde, humanda ka sa paninita ng Reyna sa Floor pag nahuli ka.


Di pa ko close sa Team Mates ko dahil nga mahiyain ako at di ko alam pano sila kakausapin o iaapproach... Friendly naman 


sila, at willing mag assist pag may tanong ka.


Dumadaan din sya sa Station ko pag pauwi na sya...


Ilang araw akong nalulungkot dahil nga loner ako, di ko nga kasi alam pano makipagfriends...

Tapos yung mga wavemates ko di ko alam kung nag awol na ba o ano na.


Nag chat pa ko kay Midori nung makita kong online sya sa FB.

Asaran lang.

Muntik ko ng aminin na crush ko dahil inaasar nya ko na sya daw crush ko kasi nga ayokong sabihin. Sinabi ko na yung may 


keychain na Chopper yun yun crush ko. Pero binawi ko din sbi ko yung may VooDoo Doll na nakasabit sa locker yun yung crush 


ko...

Tapos di na nagreply matutulog na daw sya. Nag chat pa ko kasi online parin sya. Nagreply yung asawa nya, tulog na daw si 


Midori... Ayun. ***END***


***Kinabukasan***


Nag seset-up ako ng Station ko, luampit sya, at may itatanong sya.

Ano daw napagusapana namin ng Asawa nya. Di ako makasagot agad, medyo natataranta ko.

Sabi nya bat kinakabahan ako. Haha.

Sabi ko hindi naman, bat kasi parang seryoso ka? Sabay tawa.


Sabi ko wala naman kaming napagusapan, ikaw kausap ko.


Hindi daw sya yun, tulog daw sya nun.


***BOOM***


Buti nalang... Woooh. Safe Mode.


Tinanong ko wala na ba dun yung messages?

Burado na daw yung iba.

Sabi ko nakipagbiruan lang naman ako...

Tapos yung keychain kasi nakita ko yung keychain blah blah blah (Garbled Speech)

Nagets naman nya.

Ang ibig kong sabihin kasi, kaya ako nag biro na yung may keychain na Chopper yung crush ko kasi nakita ko sa kanya yun at 


nakikipagbiruan lang naman ako.


Di ko alam kung naitranslate nya yung Garbled Speech ko. Pero yan ibig kong sabihin.


LABO.


Sabi nya, sinabi daw nya sa Asawa nya na alangan namang tignan ko lahat ng locker dun at hanapin yung keychain na Chopper. 


Ayun naputol na usapan namin kasi ewan nakalimutan ko na.

Medyo nawala ako sa sarili sa kaba nun.


Ayun ngitian nalang at hanggang tingin at konting usap nalang kami sa floor kasi busy at may mga ginagawa din kami.


Tapos ilang araw din, nakitab namin sya nung isa kong wavemate na papunta sa locker, lunch ko nun, pauwi na sya siguro nun...


Nung time na yun medyo nalulungkot na ko dahil di ko na nakikita si Chopper sa locker nya, naisip ko baka tinapon na nya o 


iniwan nya sa kung saan o binigay nalang nya sa iba...


Nung pagbukas nya ng locker nya, NAKITA KO SI CHOPPER SA LOOB, NAKASABIT.

TINAGO NYA PALA. KAYA SUMAYA KO NG HUSTO. NAAPPRECIATE PALA NYA.


Kaya masaya na naman ako~


Tinawag pa nya ko nung paalis na sana ko, tomguts na kasi ako kaya medyo nagmamadali din ako.


Sobrang kaba na naman ako.

Naisip ko baka itanong nya kung sakin ba galing si Chopper o crush ko ba sya.

Pero sa tingin ko di naman sya ganun ka-rude na tao.

Di naman nya tinanong kaya nakahinga ko ng maluwag.

Sinabi lang nya na hindi sya madalas mag open ng FB nya, yung Asawa nya, kaya mag iingat daw ako kasi pag nagkamali daw ako 


makakaramdam ka ng "Clash of the Titans".

Hahaha natawa ko sa term nya.


Ayun may meeting pa sya medyo nagmamadali din sya.

Yung tingin ko di maalis sa kanya.

Prang gusto kong sabihin sa kasama ko na in-Love ako sa taong to.

Kung alam lang sana nya~


Tapos continuation ng mga araw na hanggang ngiti at konting kwentuhan nalang kami...

Busy nga kasi...

Pero iba yung pakiramdam na para kang narerecharge pag nakikita mo sya, yung ngiti ko automatic. Ear to ear pa.


Lunch break ko, dumaan pa ko sa kabilang side ng floor magdedesign daw kasi sila kasama ko din yung isa kong wavemate, 


kulitan at konting kwentuhan lang. Hahaha. Nakakatuwa talaga pag naririnig ko yung tawa nya, as in tawa talaga. Yung tawa na 


tuwang tuwa sa joke o tawang tawa sa joke.


Nun araw nga pala na yan nagkasalubong pa kami earlier nung papunta ko sa pantry, may side comment ulit sya, "Ang bango 


talaga ng damit mo hanggang dito naaamoy ko." natawa lang ako tapos pumunta na ko sa pantry kasi nagmamadali din ako nun.


At Last day ng shift ko...

Natuwa ako kasi nakita ko yung isa kong wavemate na pumasok na ulit, dumaan pa ko sa kanila nung first break ko. Nangamusta 


lang ako.


Tapos sinabi ko nga na nalulungkot ako kasi nga loner ako at di ko masyadong kinakausap team mates ko kasi nga nahihiya ako.

Sabi nya wag daw ako mahiya kasi sila yung Tenured ako daw mag reach out.

Sabi ko nga kahit nun talagang first day ng training di ko kinakausap mga wavemates ko kasi talagang nahihiya ako, sabi nung 


isa kong wavemate, kausapin ko lang daw sila, for sure matutuwa daw sila sa boses ko. My gosh. Haha. Niloko pa ko ni Midori 


about sa way ko ng pagtatanong. Hahahahaha. Kahit hanggang ngayon na tinatype ko to, natatawa ko sa pang gagaya nya sakin. 


Miss ko na sya... Tinanong pa nya kung wala bang lalake sa Team ko, sabi ko meron naman. Makipagboyfriend daw ako, sabi ko 


ayoko mag boyfriend. Sabi nya ayaw mo pala mag boyfriend eh bat naiingit ka dun sa meron? Sabi ko iba kasi gusto ko eh. 


Tinanong pa nya kung tao ba yan. Haha. Napangiti nalang kami ng kasama ko at sinabi namin na "Oo naman." Yun nakontento na 


sya, kala ko tatanong pa nya kung sino eh. Haha alam kaya nya na sya gusto ko?


Pag nakikita ko sya na sumisigaw ng Sale namimiss ko sya pati mga wavemates ko at supports namin nung nasa training pa kami 


as in sigaw talaga ginagawa nya dahil required, baka masita ng Direktora na tahimik ang floor. Ganito ang sigaw nya, "(Name) 


GOT A TRIPLE PLAY! LETS DO A SALES CLAP IN 5, 6, 7, 8!" at ang sales clap ng L.O.B. namin... 


Minsan nga nakalimutan pa nya yung number na kasunod ng "7" kaya delayed ng ilang seconds. Natatawa ko pag naaalala ko yung 


mga Bloopers nya.









***Alam ko isang araw makakalimutan ko din ting kalokohan na to. Mafofocus sa ibang bagay ang atensyon ko... Pero isa sya 


nakakatawa na memory at mapapangiti ako pag naalalako some time in the future. Eto first time ko na magkacrush sa Coach ko. 


Sa 2 years kong pagtatrabaho sa BPO Industry, sya palang kauna unahan... Mawawala din to. :)









twitter.com/nikichan_